28 November 2008
Ang babae, nirerespeto, inaalagaan! Hindi yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo ng paglaruan.Hindi yan IPOD na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan. At hindi yan RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling-araw.Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadget para kolektahin at paglaruan."

"Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan. Imbis na magtanong ka ng "Hindi pa ba sapat?" Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na sya. Wag kang magpadala sa salitang "sorry" at "ayokong mawala ka" kung totoo yun, patunayan nya."

"Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sayo ay ginagawa din niya sa iba? "

“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

"Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa..kasi, hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

"sabi nila kahit ano daw problema, isang tao lang ang makakatulong sa yo - ang sarili mo...kaya siguro namigay ng konsensya ang Diyos, alam nyang hindi sa lahat ng oras gumagana ang utak ng tao."

"minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka...ang karapatan kong madapa at bumangon sa buhay ng walang tatatawa, magagalit, magtatanong o magbibilang kung ilang beses na kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi"

"hayaang maisip ko na may sarili din akong barko. Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko"

"paghahangad ng diploma - ritual yon, tradisyon, sakramentong hinihingi ng lipunan para makapagtrabaho ka at kumita nang disente. at oo, para na rin respetuhin ka ng ibang tao"

"parang 'times up' ang reunion, 'pass your papers, finished or not'. oras na para husgahan kung naging sino ka o kung naging magkano ka"

"kung pumapasok tayo sa eskwela para lang makahanap ng trabaho at kumita ng pera balang-araw, di na nakakapagtaka kung bakit marami ang namamatay na mangmang. nakalimutan na ng tao ang kabanalan nya, na mas marami pa syang alam kesa sa nakasulat sa transcript of records nya, mas madami pa syang gawin kesa sa nakalista sa resume' nya at mas mataas ang halaga nya kesa sa presyong nakasulat sa payslip nya tuwing sweldo"

"habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo at mauubos ang oras"

"hindi pala exam na may passing rate ang buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration o fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala"

"paggawa na ba ng kabutihan ang hindi paggawa ng kasamaan?"

"ang kapangyarihan ay tatagal lang ng ilang taon - anim, sampu, dalawampu.... pero ang impluwensya daang taon"

"handa ka bang magtanim ng batas sa gubat? kaya mo bang ipag utos sa mga hayop ang respeto? desidido ka bang damitan sila ng dangal at prinsipyo? determinado ka bang sugpuin ang kabangisan? nais mo bang magturo ng malasakit sa kapwa at pagkakaisa? kakayanin mo bang magpadikta sa bulong ng konsensya? gusto mo ba talagang makialam sa natural na takbo ng buhay - sa gubat?"

"nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the- blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."

"Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

"Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?"

"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."

"Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa."

"Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."

"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

"Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

"Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

"Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”

"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

“kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman. dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.”

"Ganyan talaga ang mga tao, pipihit-pihitin ang katotohanan hanggang sa sumang-ayon na ito sa kumportableng posisyon ng mga makasarili nilang puso."

"Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa ring maghintay..kasi hindi ikaw ang priority."

"Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na pinili nya."

"Hindi naman yung taong mahal mo ang mahirap kalimutan nung nawala sya sayo eh...kundi yung taong naging ikaw dahil sa kanya"

"Marami na ang ayaw sa Pilipinas pero walang nagtatanong kung gusto sila ng Pilipinas..."

"Wala namang masama sa pangingibang-bayan. Walang masama kung gusto mong lisanin ang barkong sa tingin mo'y papalubog na. Basta't wag mo lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapan itong isalba ng ibang tao."

“Kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n’yo, kayo ang niloloko namin; Hindi kayo ang nakapanloloko.”

"Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin"

"Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!"

"Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

"Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

"Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."

"Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."

"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."

“Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.”

“Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan...”

"dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko eh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."

"ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."

"hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"

"hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan."

"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko."

"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala."

"iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala."

"iba ang informal gramar sa mali!!!"

"Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay."
-=pOstEd by Chokolatier at 11/28/2008 09:12:00 AM |

0 cOmMeNtS:

DISCLAIMER
These are not my compositions. I simply want to share it to you so I made this blog.